Online Jobs

Magkano ang Sahod ng Virtual Assistant sa Pilipinas

Magkano ang Sahod ng Virtual Assistant sa Pilipinas

Alam ko tulad ninyo ay nag alala din kayo sa magiging economiya ng Pilinas sa mga susunod na buwan. Kaya kahit na may negosyo ako ay nag tatarabaho ako bilang virtual assistant. Sa panahon na krisis dapat talaga tayong mag trabaho online dahil kung sa bansa lang natin ay lubha tayong mahihirapan makabawi.

So eto na nga, ano nga ba ang pwedeng maging trabaho natin habang tayo ay nasa bahay. Maraming opportunidad sa internet bagaman ngayon ay pahirapan narin dahil maraming tao hindi lang sa Pilipinas ang naghahanap ngayon ng pagkakakitaan.

Isa na nga na marerecomenda ko ay ang pagiging virtual assistant. Sabihin natin para kang personal alalay o katulong pero dito nasa computer ka. Kung dati ay naghahanap ang mga kompanya ng isang article writer, o kaya naman isang typist. Ngayon kumkuha nalang sila ng assistant na gagawa ng maraming bagay. Oo all around ka pag dating sa pagiging VA.

At dyan papasok ang pagkakaroon natin ng advantage bilang Filipino. Kilala tayo bilang maparaan o resourceful sa buong mundo. Kaya kung flexibility lang ang kailangan, maraming ibang lahi ang naniniwala sa kakayahan natin. Marami tayong alam bukod sa pagiging natural natin sa wikang Ingles. Mabilis din tayong matuto sa kahit na limitadong pag sasagawa ng seminaryo. Ito nga ang dahilan kung bakit madaming paring mas gusto sa mga pinoy pag dating sa trabaho na ito. Kung baga agwat natin yan sa milyong milyong naghahanap ng trabaho sa buong mundo.

Ngayon nga ay desidido ka ng mag trabaho online, ang tanong eh magkano naman ang kinikita ng isang virtual assistant na naka base dito sa Pinas. 

Kung gaano kalawak ang trabahong nakapaloob sa pagiging VA ganon din ang pwede mong kitain dito. Kung bago depende sa kung anong ipapagawa sa iyo at kung gaano ka determinado para dito. Mahirap kasing patunayan ang quality ng trabaho mo lalu pa’t hindi kayo pisikal na nagkikita ng amo mo. Kaya ang diskarte ko dito eh magsimula muna sa mababang halaga hanggat hindi ito lugi at mataas narin ang value kung saan ka nakatira. 

Halimbawa katulad ko na taga dito sa Capiz. Mura ang bilihin dito at sadyang mababa ang sahod ng mga tao. Kaya ang $2 para data entry jobs ay sapat na para sa akin

Pero hindi dyan natatapos ang lahat. Dahil parang free testing lang yan. Imbes na nga na ilibre ko nalang lahat, sumisingel ako ng ganyang halaga para sa unang linggo. Pero pag tapos noon ay nag dedemand ako ng pagtaas ng sahod. Pwede mo din itong gawin, basta sa umpisa palang ay sabihin mo na agad ang magiging boss mo para hindi sya magulat. Dahil lalabas na unprofessional ka kung bigla bigla ka nalang mag tataas ng rate.

At saka isipin mo rin iyong rate dyan sa inyo. Kung taga maynila ka, alam ko kulang iyan dahil sadyang mahal ang bilin sa lugar ninyo at lugi ka sa $2/hr na rating. So sumingel ka ng mabubuhay ka sa halagang ganon.

Sa huli huwag tayong magkamali na mag compete gamit ang mababang halaga, dahil performance parin ang basihan dito. Walang kwenta ang mababang singel kung hindi mo naman ma sasatisfy ang amo mo. At huwag din maliitin ang mababang sahod dahil isa itong oportunidad para mapakita mo ang kakayahan mo sa buong mundo. Bilang pinoy mahalagang huwag natin sirain ang tiwala ng mga dayuhan sa atin.

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *