News

John Cyril Dojaylo : Artist from Capiz Gone Viral

John Cyril Dojaylo : Artist from Capiz Gone Viral

Hay salamat sa 17-taong batang ito, may mas madali ng masasagot ang mga studyante dito sa Capiz sa assignment nila ng mga sikat na tao o kilala sa ibat ibang larangang nagmula dito sa amin bayan. Nalala ko kasi sinagot ko dati dun si Vicky Belo. Pero talaga namang taga dito sa Belo actually dito talaga mismo sa bayan namin sa Panay. Kaya nga sinasapubliko niya na isa syang ampon at lagi syang inaasar na panget. Kaya eto ang naging inspirasyon nya para pumasok sa dermatology. Ngayon pag sinabing artist mula sa Capiz, nandito si John Cyril Dojaylo mainit init pa.

Nagsimulang umingay ang pangalan nya online ay nung nag post sya ng isa ballpoint portrait at may caption na “Tell death do as part.” Medyo may mali nga sya sa caption pero ano naman ngayon, hindi naman yan iyong point ng ballpoint art nya. Ako nga rin malili rin ang grammar pero tuloy tuloy lang.

Napansin ko lang sa gawa nya, mukang inspired sa Korean. Anyway kanya kanya naman trip yan, kung ako nga lang magaling mag drawing, panay hot Pinay ang gagawin kong model para mas lalo akong ma inspired.

tell death do as part ballpoint portrait by John Cyril Dojaylo

Ang matindi pa dito, una ang unang obra nya gamit ang ballpoint. Actually marami syang mga nagawa na ayon sa kanya ay unang beses nyang sinubukan. Kaya masasabi mo talagang sa edad na 17-years old malayo ma aabot nitong batang ito. Maraming chix ang papayaiyakin nito. Tapos gwapo pa. Mga gantong aurahan iyong pag nangulit ka sa babae sasabihin flirt. Kasi pag ako nangulit sinasabi ng babae harassment.

Sana masuportahan ito ng government. Mabigyan ng pagkakataon makapag kolehiyo sa pinakamagandang school dito sa Pilipinas. Ayos din naman sa Capiz State University. Nakapag aral din ako dyan at nakita ko na magagaling mga studyante jan lalo iyong mga dumaan ng drafting. Kaya nga nung nakita ko ung viral news na taga Capiz sabi ko agad, taga Capsu yan mali pala ako. So talagang natural talent yan, at mas mapapabuti pa iyan kung mabibigyan ng pagkakataon makapag aral ugma sa talento nya. Wala naman sigurong problema iyon, dahil sa mga caption nya, sinasabi nya ang mga salitang “practice” “aral” so interesado syang matuto at iyon ang pinaka magandang quality nya bilang artist. Dahil alam nya na marami pa syang dapat na matutunan. Aantabayanan ko talaga tong batang to.

Sa ngayon palang marami ng interesado sa talent nya, katulad ko at mga ibang nag cocoment sa Facebook account nya at nagtatanong kung binebenta ba iyong artwork nya, o interesado at gustong mag propose para sa services nya.

Sa lahat ng obra nya, ang self portrait na may caption ng Me, Myself and I ang pinaka nag viral matapos itong maitampok sa iba’t ibang page sa Facebook at maging sa News5. Sa unang tingen hindi mo agad mapapansin ang konsepto ng kanyang artwork lalo ng kung sa mobile device mo lang titignan.

me myself and I self portrait of John Cyril Dojaylo

Marami pa sana akong gustong malaman tungkol sa kanya at kung paano nya nadiskubre sa sarili nya ang gantong talento. Pero hintay parin ako ng friend accept nya. Siguro kailangan ko ng mag palit ng koreanang profile picture.

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *