Music

Wolf (Sparo) Lyrics and Review [OPM HipHop]

Wolf (Sparo) Lyrics and Review

Sobrang init talaga ng HipHopan  ngayon sa Pinas. Kakalabas lang ng 2G ni Sixth Threat tapos may biglang sumulpot na Rare Mysterio at ngayon nag release si Sparo ng Wolf sa Youtube. Eh kung flow at technicalan lang naman sa pag rarap eh may nanalo na. Given na yan Sparo ng Malabon Thugs to. Hindi man sya ganon nag karoon ng magandang pagkakilanlan sa FlipTop dahil hindi pa handa ganon ka handa ang manonood ng battle league para maka saksi ng speed rap and flow. Eto iyong panahon na hindi pa naapreciate kahit na si Damsa ng mga tao. Eto iyong panahon na si Anygma lang ang naniniwala sa kanila at hindi sumuko at binigyan parin sila ng mangilang ngilang laban. Nakakalungkot lang na kahit na sa panahon na sikat na ang stilo nila sa FlipTop, parang wala na syang balak bumalik. Pero hindi to malabo lalu pat pinopromote ni Numerhus ang magiging laban nila.

Ganon pa man, active parin tong si Sparo lalu na sa Youtube channel nya. Tumatangap din sya ng mga bars challenge at naglalabas ng kanta katulad ng nito Wolf na kakalabas lang talaga. Sana lang ay katulad ni Numerhus ay mag karon sya ng ibang segment sa mga oras na gumagawa pa sya ng kanta na irerelease.

yo isang batang inaral, kung pano magawa na bala ang bara
na parang dumura ka ng tunaw na bakal
ang bawat tula nakalaan sa walang katapusan na sugal
at hinahamig pa kahit na ang butal
sa dami ng taong nagsabi saking akoy walang mapapala
sila pala talaga ang mga useless
tignan mo pano umabante sagad ang tapak sa kanang paa
at ang kaliwa ay nasa foot rest
magaling naman daw ako yan ang sabi sakin ni aristotle at marami pang iba
di nakakalimot tumingin sa salamin at baka ang ulo ko ay lumalaki na
dala ang mga tanda kung bakit ko ba pinasok ang rap
tangan lang ay kapal ng mukha ,
lakas ng loob na hanggang ngayon ay gamit ko pa
na kung maubos ay hindi ako takot muling magumpisa

ang daming tao ang nakamasid
hindi lahat ng makakapakinig
makakaintindi ng matindi
dahil di nila masundan ang buka ng yong bibig

dami ng mga nag pumilit
sino pang di naman malupit
sila pa talagang makulit
mga bata na mainit
di naman marunong makinig
yo batang malabon bumira ng mga pamatay na flow
di pwede ang slow kung di mo naman talaga nais na lamunin ko sa show

di naman na bago sakin ang makagawa ng ganito
dahil kung narinig mo na ang ikaapat na bilang ng tulin
malamang sa kilala mo ko at mga nagsimula pabilisin basahin ang tula
kasama ang mga nasa ilalim ay patuloy namin na inaangat ang kalidad ng musika
at kung kasama ka sa bilang ng mga hindi na nga marunong mag sulat /magsalita
ay pwedeng tumahimik ka
yo balahibo sa balat ay pinatindig
karamihan sa pamagat lang matindi
dika para makasabat ng pasimple
ng marinig dinaga ka sa dibdib
dinala ka sa liblib
nilatagan ng banig
pinasakan sa bibig
para di ka na maghirap tinaga ka sa leeg
diko kailangang palibutan ng mga tao para lang masabing akoy paborito
ayos lang naman kung minsan gusto mo na makadinig ng malupit kaya ka naparito
kahit na isang ilaw lamang ang nakatapat sakin ay di ko na mabilang ang anino
para sa mga nagtatanong kung sino ba ko ako si sparo ang hari ng kwatro

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *