Music

Wag Kang Magdroga Lyrics by Loonie and Reviews

Wag Kang Magdroga Lyrics by Loonie and Reviews

Sabi na nga ba maglalabas tong si Loonie ng kanta matapos kong mapansin na sobrang aktibo sya sa kayang Break it Down. Isa itong senyales na di masyadong busy si idol dahil sa nga crisis na nangyayari sa Pinas. Kaya nga di nakakapag taka na maraming Filipino ang nag tatrabaho nalang bilang Virtual Assistant dahil katulad din ni Marlon ay naniniwala silang hindi lang basta kailangan mag hintay sa mga nangyayari, kelangan nating kumilos at hindi lang basta umasa sa gobyerno ng Pilinas.

So eto nga ang bagong kanta ni Loonie na pinamagatan na Wag Kang Magdroga. Ika nga nya wala ng metapora. Nakakapanibago nga kay Loonie na walang masyadong sublime sa kantang ito. Rektahan. Dahil alam ko na alay nya ito sa mga taong itinuturing nyang mababaw. Ito iyong mga taong iisipin ang pagkatao mo mula sa mga kantang iyong isinusulat. Maraming ganto. Halimbawa sa FlipTop. Naniniwala sila na masamang tao si Batas o si PriceTagg porket ganon ang stage persona nila. Pero sa totoong buhay hindi sila ganonĀ  at malayo sa character nila.

Sa kantang ito ni Loonie, gumawa sya ng kanta patungkol sa hindi pag dodroga parang sampal iyon, na ayan hah gumawa na ako ng kanta na puro positive kaya dapat ako’y negative (word play with Apekz accent). Anyway, disclaimer lang wala ako dito para husgahan ang case ni idol. Totoo lang wala akong pakialam doon sa dami ng problema ng Pilipinas at sa daming tao na gustong mangialam sa buhay ng may buhay, sa pagkakataong ito ay labas na tayo doon.

Pinaka nagustuhan ko sa mga linya dito eh iyong pagiging walang displina ng mga Pilipino. Tama sya doon. Hindi naman dahil masama ang marijuana kaya eto pinag babawal, kundi wala lang talagang displina ang mga Pilipino. Parang ganto. sa ibang bansa halos pwede silang mag angkin ng baril kahit na ordinaryo lang sila. Ngunit ganon pa man, napaka baba ng crime rate nila doon. Dito sa atin, bawal o kailangan mo ng kaukulang papeles para mag karoon ka ng lisensya mag ka baril. Sa isang banda, napakaraming krimen dito sa Pinas. Drink and drive nga lang na kaso napaka rami. Kaya nga tama si Loonie doon, dahil walang disiplina ang mga Pinoy.

Ako opinyon ko lang ito, pero ok na sana iyong message ng una at pangalawang verse, pero iyong pangatlo parang gumulo iyong mensahe at nag kumontra dun sa nauna. Sobrang swabe na sana dahil rekta at solid ang pinupunto hanggang dumating iyong verse 3. Anyway opinyon ko lang naman at hindi importante ang opinyon ko.

So ayan po sa iba ba ang lyrics ng ‘Wag kang magdroga’ kung may mali paki comment nalang sa baba. Dahil isinulat ko iyan habang pinapakinggan ang kanta.

 

Hook
Wag ka mag dodroga
wag na wag kang mag shabu
wag kang mag cococa

wag ka mag dodroga
pwede sigarilyo
pwedeng pwede rin tumoma

wag ka mag dodroga
ikaw ay maniwala
lamang sa mahiwaga

wag ka mag dodroga
wala ng metapora
basta wag ka madodroga (bitch)

Verse 1
gusto mong subukan
hindi ang tamang sagot
katawan at utak
wag pilitin pag pagod

wag kang ngingiti
o titingin
sa mamang nagalok
kahit kelan wag kang titikim
ng bawal na gamot

wag ka magdodroga
ako ang patnubay
uulitin ko pa para
lalu ang maumay

wag ka magdodroga
ako ang patunay
puputulin na agad
habang malambot pa
ang sungay

matakot ka sa gulay
kahit dahon ng malunggay
daming magsasaka pag nag araro
ay mahusay

mata mo ay mulat
mata mo ay mapunggay
automatic ka na adik
bao mo may bull’s eye

hango to sa tunay
na karanasan ng isang tao
na basura’y balak pang ibaon
sa kabaong nya sa hukay

kung gusto mong matupad ang plano mo sa buhay
bilang kuya mo ang tanging payo ko sayo ay

*repeat hook

Verse 2

Para sa mga pasikat at mga pabida
wala ka sa America,
hindi ka si Wiz Khalifa
na may cannabis sativa
sing lakas ng dinamita
alam naming adik ka
di mo kailangang ipakita
paano pag mga pulis ikaw ay binisita
sa ibang bansa ito’y legal na medisina
dito sa pinas wala pang ganoong derektiba
dahil ang bansa natin ay walang disiplina
saking karanasan ako’y maraming natutunan
masama ang laging tumagay at mamulutan
mas masama sa katawan ay yosi pag sukdulan
pinaka masama sa kalusugan ay kulunggan
sa dami ng aking sinabi kulang pa ba to
umayos ka bro
inggat ingat ka baka makatulad mo ako
pinag bintanggan nilang tulak ng damo
kung ano ano
kaya kung ako sayo

*repeat hook
basta wag ka madodroga (bitch)
wala ng metapora
basta wag ka madodroga

Verse 3
mariajuana
pag ibig na ba to
bakit ba ako’y naiinlove sayo
pag nangangamoy sinindihang damo
ibig sabihin nun nasa paligid lang ako
pero bakit ganoon pag wala ka nang maisagot
tatawaging mo akong adik panot tanginamo
pag di pasok ang pinapasok ko sa kokotemo gaalikabok
sarado pa yata paki katok
pabalik balik na to
laging ganon
tama si Larry Gadon

alamat ko’y mala sarimanok
kaya lahat ng sinungaling takot
sinasabi ko’y katotohanan
wala nang maraming charot
di alam ang gagawin lahat sila napapapraning
di kami nag tatanmin kayo nga tong nang tatanim
napaniwala nyo ng todo todo mga netizens
nag pa press conference
seryoso mga sentiments
wanna be SOCO walang evidence
paanong hindi papalpak galing sa bobo bobo bobo iyong intelligence

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *