Music

Usapang Ka Talk Reviews : Ilang Trivia Tungkol Kay Anygma

Usapang Ka Talk Reviews : Ilang Trivia Tungkol Kay Anygma

Habang nag hihintay pa ng update sa Anygma Machine dito muna tayo sa isang segment ni M Zhayt, ang Usapang Ka Talk. Nandito ako para sa review ng segment pati narin ang mga ilang trivia o personal na detalye tungkol kay Anygma. Bagaman marami marami na rin syang nabanggit sa official na channel ng FlipTop sa Youtube, may mga ilan din syang nabitawan dito na interesante. Tulad ng pagiging writer nya sa GMA news at marami pang iba. So tara.

Una sa lahat reviewhin muna natin itong bagong segment ng Motus Production. Isa sa mga napansin ay ang maraming ads na naka lagay pa naman sa gitna ng importanteng detalye. Oo at may skip ads naman pero nakaka irita parin o biglang magugulat ka nalang na ads na naman. Actually hindi naman talaga nakaka irita ang ads kung isa o dalawa lang sana. Anyway hindi ko rin masisise si M Zhayt dahil gaya nga ng sabi nya ito lang ang pinagkakakitaan nya ngayon kaya hanggat maari ay talagang max settings numbers of ads nya.

Dun naman tayo sa positive, baka sabihin nyo bias naman ako. Isa pang kapansin pansin ay ang effort sa pag eedit ng video sa introduction palang maho-hook ka talaga. Napakalawak ng vocabulary ng mga memes nya mula sa FlipTop. Sa part na iyon talagang nakakatawa. Talagang pinag isipan at hindi lamang isang laban ang pinagkunan. Kumpara sa ibang MC na vlogger, si M Zhayt ang may pinakamagandang production. Siguro dahil nga may production sya talaga (Motus) hindi tulad ng sa ibang MC na sila lang talaga ang nagawa. Anyway at the end of the day, iyong content naman talaga ang mag bibigay sa kanila ng million views. Plus factor na ngalang ang ganto na kahit papaano ay maganda kung maidadagdag nila sa content nila. Isa pa, sa pag vo-vlog dapat may bago kang ahin hindi basta basta gagaya kalang ang magandang desisyon ito para kay M Zhayt. Naisip narin naman nila eto siguro kaya nga si Flict-G may rap tutorial na, (rereviewhin ko rin iyon) kasi hindi rin pwedeng puro lang tayo dito rap challenge or mga mala Shernan na content.

Maganda ang editing element at witty ang ang mga insertion pero napansin ko lang na dapat iimprove ang studio. Madilim ang working station ni Christian na nakaka apekto sa quality ng video. Kailangan ding i-improve ang audio. Ayan yon mga ilang bagay na kung magkakaroon na ng budget eh pwedeng pagtuunan ng pansin. Napansin ko rin na may pagkakaton na nasagot sya kahit na hindi pa tapos ang nag sasalita. Iyon bang nag aagree sya o nag se-second the motion tapos nag sasabay silang mag salita medyo nakaka irita o masakit sa tenga dahil narin siguro sa panget talaga iyong audio in the first place kaya panget ang output pag nag kasabay. Naalala ko pag nag sesetup kami ng drum mic, nung una nahihirapan kami at panget ang tunog lalu pat naghahalo halo ang audio mula sa ibat ibang mic, pero nung nakabili na ako ng magandang mic set, mas naging malinaw ang audio na kahit mag sabay sabay pa ang walong mic na tumanggap ng tunog, hindi parin masakit sa tenga. Iyon lang din man ang maliit kong napansin. Hindi naman nabastos ang mga guest kasi pag agree lang naman ang sinabi ni Zhayt pero panget para sa mga nanonood na hindi maintindihan ang sinasabi ng guest. Kung ako na, na nanonood sa music studio mejo na asiwa pa ano pa kaya iyong mga naka mobile phone lang. Maliit na details pero nag rereklamo nga sila sa audio ng Anygma Machine na para sa akin ay walang problema hanggang sa sinubukan kong manood gamit smart phone.

Ganon pa man, pinupuri ko si Christian sa kanyang mga tanong. Dati ko pa pinapanood iyong iba nyang content, at meron syang video kung saan sabi ng isang rapper, “natanong na iyan sa akin”. Maganda dito natututo si M Zhayt na mag isip ng mga interesanteng tanong. Syempre iyong mag lalahad ng bagay na hindi pa alam ng viewers o importanteng detalye mula sa guest nya. Eto iyong part na inaabangan ko sa mga gantong content o review. Kahit nga sa video ni Aric ganto rin ang lubos na pinansin ko dun. Sa Break It Down ni Loonie, kahit kairita iyong background music sa first episode, hindi ko na ininda dahil mas importante ang mga salita o tips na magagaling sa host base sa issue na tatalakayin nila.

Sa video ni M Zhayt, napaboladas nya na si Anygma pala ay writer na ng GMA News. Ito ay habang nag aaral pa sya at wala pang FlipTop. Talaga palang talented na si Aric noon palang. Imagine writter ka ng isa sa pinaka malaking companya dito sa Pilipinas. Nakakatuwa lang na tungkol sa pagkain ang mga pinag sususulat nya at hindi sa Hip Hop.

May tanong din dun na kung lalayas sya at makikita sa bahay ng MC, kanino ito. Sagot nya kay Zaito. Dinagdag ni Zhayt kung patitirahin nga ba sya dun ni Zaito, sabi nya oo naman si Jam nga pinatira nya dun. So aware din pala sya o sa tono ng pagsasalita nya eh kilala nya ng personal si Jam. Ito iyong nag pa-Tulfo kay Zaito dahil pinahiya daw sya sa social media matapos ipost ang ang nakakatuwa nyang larawan habang natutulog. Dinagdag din ni Aric na gaganti sya kay Zaito at tatae sa bahay niya.

Nagbigay din ng pahayag si Anygma tungkol sa mga ingay sa internet na magkaron ng online rap battle competition. Alam ko atat na tayo sa FlipTop at maganda nga naman isipin na pamatid uhaw ay magkaron ng gantong competition through Zoom, Face Time o kahit anong group chat platform. Pero dito sinabi ni Allaric na naisip din nila iyon at syempre nasa online business din sila pero hindi maaring lahat ng bagay ay dahil sa online. Isipin natin na magkaron ng UFC fight sa online. Tulad ng rap battle, hindi ito magiging matagumpay.

Sa ngayon may dalawang episodes na ang Usapang Ka Talk, una ay ang pagiging panauhin ni Anygma at ang pangalawa ay ang o ang karerelease lang ay ang kay Sinio. Naniniwala ako na marami pang battle MC ang maiimbitahan dito. Magandang pamatid uhaw din ito sa rap battle scene habang quarantine. Naalala ko unang gumawa nito bagaman walang video ay si FlipTop Observer kung saan ng karoon sya ng pagkakataong ma interview si Batas at Pricetagg. Sana sa pagkakataong ito, tuloy tuloy lang walang titigel. Gawin natin itong panahon ng crisis bilang pagkakataon na magawa ang mga bagay na noon ay wala tayong oras.

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *