Music

UNDERFAKER – Emong Albularyo (Flict G) Lyrics and Reviews

UNDERFAKER - Emong Albularyo (Flict G) Lyrics and Reviews

At eto na nga mga kapatid ang entry ni Flict G o Emong Albularyo sa eksena ng rap game bilang sagot nya kay Rare Mysterio. Nakakatuwa, mga sikat na rapper na bumabanat sa kanya. Ibig sabihin lang na ganon katindi ang kalidad ng pag rarap nitong ayaw magpakilalang rapper na ito. O kaya naman sadyang curious lang ang lahat. O baka boring lang talaga sila at eto napagtripan. Alin man dun kontribusyon itong lahat sa Hip Hop. Kumikita na sila, napapansin, at mas lalo pa silang gumagaling. Lahat ng to ay nag simula sa Flow G vs Sixth Threat at sobrang dami ng rapper ngayon ang nag kokontribute para mas lalu pang mag apoy ang art form na kanilang pinag lalaban.

Natapos na tayo sa mga load, nasa WWE na tayo. At gaya nga ng sa WWE for entertainment sake lang ito hah, wag kayong masyadong padadala. Baka naman mas galit pa kayo kesa kanila. Bilang fan, maari mo lang gawin eh mag pasa ng beat sa mga rapper na idolo nyo. Pero wag ma carried away ng sobra, dahil pag tapos nito baka mag tulong tulong pa sila para pagtawanan ka.

Kung magtutuloy tuloy tuloy ito, masasawa ang mga tao, at parang tatangapin nalang na new normal ang diss track. Anyway Pinoy tayo eh, sanay tayo sa mga bagay na ito. Tayo kaya pinaka trash talker sa buong mundo. Iyong kinukutya na tuwang tuwa pa. Kaya kung sa ibang bansa sobrang big deal ang mga diss track, sa atin, lalu pat sumikat ang gantong klaseng pag papakita ng talento sa pag rarap, magiging normal nalang ang lahat ng ito. In the end, gaya nga ng sabi ni Loonie sana gawin nila itong inspirasyon para magpakadalubhasa pa at sana walang damayan o kaya naman walang demandahan. Narito sa baba ang lyrics ng Underfaker mula kay Emong Albularyo.

 

Teka lang pano ka nga naging rambo?
di mo nga kinya na maging gago
taong bahay ka lang boy di ka laking kanto
nagka flow ka lang naman dahil sa (i-a-o)
dahil dun sa diss ya puta feeling bida
nakakita ka lang naman ng tindida
pero sabi ni M puch kadiri ka
ang laki mo na sa kama umihiihi pa
mawalang galang na bata itoy SPG
nagkamali ka ng tinira “STD”
feeling heneral to kala mo may ranggo
di nga nakaranas kahit NSTP
wala namang tindi
nakisali pa sa F.G 6.T
iikutin ko iyong ulo mo 360
yung nagsi-619 mapapa 163
call 911
body parts dito kabilaan
may one punch man tapos si BLast po yung tinamaan
bago ka tumira ng mga kampeon
manalo muna sa mga rap contest
tapos ang boses
pakiayos nang hindi nagtutunog Rosana Roces
kahit sino kaya daw sugatan
matawatawa ako sa sagot sa usapan
ano ba to biter? o front liner?
nag mask muna bago siya lumaban
nakakatanga! gayang-gaya mo diba
mga multi rhyme pati bitaw
nakakatawa? kaya mo maging sila
pero di mo kaya na maging ikaw
Siga bibigyan kita ng pagkakataon
para sayo ito ay dream come true
kita ko kay Shing Shang Fu
hey John that’s you
para kalang naka chin chun su
oh! hi bitch! galingan mo pa tu-miming
high pitch? para easy lang yung rhyming
may abilidad pero wlang kalidad
yung rap vocals parang CDR king
binibitin lang yung word para mag multi
nakaman putik, dapat pangalan mo Erning Toothpick
kasi aapuyan kita habang nakalambitin ka sa lubid
balikan natin mga pinupunto mo
sino ba talaga yung nakikigulo?
sino uhaw sa views? sige tuturo ko
sa sinabi mo chinupa mo sarili mo
napakagaling na producer daw? wow! how? na-notice ko
di mo nga kayang alisin yung tahol ng aso sa likod ng boses mo
Aw! magaling na makata?
umuwi ka na bata
tutal patay kana dapat di ka 619
dapat viva la raza
ang tapang niyan nagpaulan ng flow daming alam
ang tanong ng ilan alter ego?
no! dummy account
kainitan ng bata kahit sino tinitira palag ng palag
pero wala ka pinakamahalagang bagay sa rap game John
wala kang bayag

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *