Music

Tatot ng Nairud sa Wabad, Alpas na ang Bagong Banda

Tatot ng Nairud sa Wabad, Alpas na ang Bagong Banda

Sa mga naghahanap kung ano na ang bagong banda ni Tatot pagkatapos umalis sa Nairud sa Wabad, sya ngayon ay may bagong banda na tinatawag na Alpas. Si Tatot o pinanganak bilang si Sandino Libres ay ang lead guitar at backing vocals ng Nairud Sa Wabad. Ang bandang ay ito ay ng viral mula sa Youtube video cover nila ng upuan na umabot ng 22 million views sa kasalukuyan. Sa pagkawala niya ay maraming nag hanap na sa kasamaang palad ay hindi lubos na madali dahil kahit ang real name ni Tatot ay walang masyadong nakakaalam.

Pagkatapos nyang umalis sa banda at nagpatuloy parin sya sa pag tugtug bilang solo acoustic artist. Hanggang kamakailan lang ay na lunsad sya bilang vocalist ng bandang Alpas nay may mga hit cover song tulad ng Momay, Tadhana, Himig ng Pag ibig at Mateo Singko.

Mula sa bagong banda na ito mas nabigyan sya ng malaking break sa stage. Bilang taga hanga nya, sana ay marami pa silang ma tugtug maging cover man or original. Dahil nakapag bibigay sya ng kakaibang interprestasyon sa kanta at hindi mo masasabing nakakasawa kahit na isa lamang itong cover song.

Kung si Ojie Cubillas naman ang tatanungin, matagal narin syang wala sa Nairud sa Wabad. Nakakapang hinayang na sana ma update nila ang kanilang mga fans tungkol sa kung anong trip nila ngayon. Siguro nga hindi talaga pwedeng magkaron ng dalawang lion sa iisang bundok (Chinese Proverbs), oo dapat sa savannah, kaya nag hiwalay. O baka may gusto din silang gawin at magkaiba sila ng tatahakin. Ganon pa man bilang taga-hanga, tuloy tuloy lang. Kung may update man sa mga ito, ipopost ko rin dito sa website ko para ma inform ang lahat.

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *