Music

Loonie Break It Down Reviews

Loonie Break It Down Reviews

Mukang narinig ni Loonie mga sinabi ko sa Anygma Machine at eto nga gumawa sya ng bagong Break It Down content. Pero this time hindi na rap battle kundi kanta. Mas madali nga naman ito. Hindi na kailangan ng guest at mabilisan ang pag gawa. Bago man ang topic, pero technical parin ang pag review nya. Eto iyong nakulangan ako sa programa ni Aric. Pero syempre magkaiba naman sila. Ang importante buhay na buhay talaga ang HipHop sa kabila ng krisis dito sa Pilipinas.

Mula ng ibinalik ito ni Loonie, ay meron na syang dalawang na review. Una ang Mana na kata ni Ron Henley. Ang ikalawa naman ay ang Unli at Expired na diss song mula sa Flow G vs Sixth Threat. Sa paraan ng pag bibigay review ni Loonie, makikita mo talaga kung gaano sya ka beterano sa larangan ng rap. Napakadami nyang napupuna. Halatang alam nya talaga ang ginagawa nya, hindi katulad ng iba, o katulad ko na basta may content lang. haha.

Kaya masarap manood sa mga videos ni Marlon kasi iyong simpleng linya, na eexpose o nabibigyan nya ng mas malalim na kahulugan para maapreciate ng mga tao kung gaano kagaling ang isang rapper. Hindi lang sa Music Edition pati narin sa classic na Break it Down nya. Marami ka talagang matutunan sa kanya.

Kung may panget man akong sasabihin sa segment nya na ito. Eto iyong malakas na background music nya sa ilang video ng Break It Down. Pero salamat dahil sa mas simpleng set up ng song edition, wala ng nakakairatang background music.

Maliit na bagay lang naman iyon. Ang mas importante parin ang content. At kung kay Anygma ay nagkakaroon tayo ng kalaaman tungkol sa mga trivia ng ibat ibang rapper, dito naman kay Loonie, purong teknikalan. Iyon bang kahit sobrang liit na detalye ay nailalahad nya ang kahusayaang nilaan ng rapper para mabuo ito. Maapreciate mo talaga ang isang artist mula sa mga sulat nya. Isipin mo nalang nasa bible study kayo, at bawat linya sa banal na kasulatan ay napagaaralan. Ganon mag review si Loonie. Mapapasabi ka nalang ng, “oo nga noh”

Isa pang inaabangan ko sa content nito ni Loonie eh iyong mga turo nya. Hindi lang sa rap, hindi lang HipHop, hindi lang sa topic nyo kundi sa buhay. Hindi nga ako mag tataka kung bakit natipuhan ito ni Francis M bilang hypeman nya sa umpisa palang bagaman hindi sila pinalad sa Rap Public of the Philippines. Wala ding pag aagam agam kung bakit isa sya sa most viewed battle rappers. Actually sa ibang mga laban sa FlipTop, marami akong ginagamit na reference mula sa mga turo ni Loonie. Tulad kung paano at bakit nag choke si Sinio, o kaya naman ang dapat na pagtangkilik ng fans sa battle rap bilang form of art at hindi ng competensya. Marami, na kahit nga sa asawa ko kinuwento ko si Loonie. Para malaman nila na hindi lang talaga murahan o pang aasaran ang FlipTop kundi isa itong malawak na uri ng art.

Sana nga lang ay mag tuloy tuloy pa ito kahit na matapos ang lockdown ay patuloy parin sila sa pag gawa ng mga gantong content. Anyway mukang matatagalan pa naman ito ah. Kahit nga si Anygma aminado na hindi ganoon makakabalik ang lahat sa normal lalu pa sa mga katulad nilang nag po-produce ng event o mass gathering. Ganon pa man magkakaroon  ng mga private battle kaya may pagkakaabalahan na naman ang mga rapper at mas marami tayong laban na marereview.

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *