Music

GS 50/50 (RARE MYSTERIO) Lyrics and Reviews

GS 50/50 (RARE MYSTERIO) Lyrics and Reviews

Kumuha na kayo ng popcorn dahil mukang mas lalakas pa ang Flow G vs Sixth Threat dahil sa mga bagong hamon katulad sa di kilalang rapper na kumakalat sa Youtube na nagtatago sa pangalang Rare Mysterio. Ang kulit nga parang mas naagaw pa nya ang hype mula sa dalawa nagpapatagisan sa pag rarap. Bagaman kakalabas lang ng bagong banat si Sixth Threat sa kayang 2G, pero ang marami ay mas interesado kung sino si Rare Mysterio.  Mag viviral nga, kasi kahit ang mga sikat na rapper ay sila ang tinatrabaho ngayon. Anyway sino nga ba naman ang hindi ma magtatanong kung sino ang rapper na ito. Actually hindi dahil nakisawsaw sya at tinira nya ang dalawa kaya nag viral ito, dahil kung ganon kahit ako kaya ko ring mag diss kahit sino. Pero sa eksena ni Rare Mysterio, talagang malupit ang kakayahan nya sa pag rarap. Napansin nga rin iyon ni Loonie, na nirerespeto ng maraming tao sa kanyang industriya.

Eto iyong sinasabi ng hari ng tugma, maswerte ang mga rapper ngayon dahil may Youtube na. Napakadaling sumikat. Tignan mo tong si RM, actually wala syang pagkatao sa ngayon, hindi sya kilala, subalit mangilang ngilang kanta pa lang nya ang na ilabas sa Youtube katulad GS 50/50 ay na hook na ang maraming tao. Isipin mo vinalogg ni M Zhayt, ni reverse engineering ni  Flict G ang audio edit ng kanta, -ina analyze ni Numerhus, at nakausap pa mismo ni Shernan. Sila iyong mga rapper na aktibo ngayon sa Youtube at sila pa tong sobrang interesado kay Rare Mysterio.

Pagdating naman sa beat, sobrang swabe kaya madali kang mahohook dito. Iyong bang kahit anong lyrics lalapat sa gantong beat basta magaling ang rapper. Ganto ang nagyari sa GS 50/50 hindi lang rap skills kundi pati beat mismo. Kaya nga iyon ang elementong tinignan ni Numerhus sa pag tuklas kung sino ba talaga si RM. Tinignan nya ang mga point kung saan marunong bang mag audio editing and remix ang isang suspetchadong rapper o may studio ba sya. Kung maeedit kasi ang audio, panigurado ang professional background ng mga rapper ay hindi. Kaya nga ang mga sikat na rapper ay madaling hanapan ng angulo dahil dito.

Kung rereviewhin ang kanta nya, parang bias nga na mas tinira nya si Flow G kesa kay Sixth Threat. Anyway sa diss track given na puro banat yan. Kaya kaumay na kung iyon pa ang pag tuunan ko ng pansin. Sa halip mas na silip ko iyong term na “ibandera EXB FG sa acapella battle one on one kayo ni ST” kumpara sa ibang linya, mas maiituring ko itong neutral eh. Isa tong pahayag na sa lahat ng linya sa GS 50/50 ito iyong may malalim na meaning para sa akin.

Balikan natin ang nagyayari sa beef ng dalawa. Diba nga gustong gusto ng mga tao mag rap battle sila maging sa FlipTop man o Sunugan. Pero sa lahat ng mga artist na ito, sino talaga iyong pursigido. Si Mike Swift. Gumawa pa nga sya ng bagong video kung saan kumbinsehan ang dalawa na matuloy ang laban. Oo nandun na ako, for sure kikita sya at hindi mahalaga kung mismatch o magugustuhan ng tao ang kakalabasan ng battle parang PriceTagg at Makagago lang. Expected iyon, at alam na ng mga tao ang resulta. Pero alam mo iyong parang friendly battle na pag tapos magkakamayan pagkatapos maglabas ng galit.

Ayan ang intention ang maiituring kong pakay ni Rare Mysterio sa pag kanti sa dalawa. Dahil sa HipHop kahit na mangyari ang gantong tirahan, malaki ang maiitulong nito para mahasa ang mga artist at mas lalong ma challenge na husayan pa. Ito nga raw ang umpisa para sa online rap battle dahil nga walang event ng FlipTop tapos wala ding gig. Kung nag hit nga iyong 24 bars Mark Beats Challenge diba. Eto bagong twist. Isa lang tong patunay na patindi pa ng patindi ang eksena ng HipHop music sa bansa sa kabila ng krisis sa Pinas tuloy lang tayo.

Diba’t sabi mo gawin kamo?
Dila’t labi ko naingganyo,
Na makirambol at naging rambo, unli? Eto naka infinite ammo,
at pahimado, nagtatanong ka bat apektado?
Di lang ikaw ang talentado,
at aminado akong ikaw at magaling kaso, alam ko mas magaling pa ako

Eto example, di ito kasing impakto ng liriko ni marlon,
Pero eksakto na para ibaon ka habang nakalagay sa malaking karton,
O sige ngayon, ako naman ang hindi magiging humble at mahinahon,
bibig mo’y basurahang biodegradable, dahil puro bulok ang naitapon

Mabalik tayo, sa istilo mo na I-A-O,
Na pwede mong i-rhyme sa tktaktoe, o sa engkanto, o sa tabing kanto,
sobrang dali lang to! (gago)
para nadin klaro, di ako nagpapasikat wag maghurumintado,
kamay ko’y sadyang malupit mala pintado,
paalala lang ulit rap game lang po!

pwes Iho, sarili mong estilo ang napili kong ehersisyo,
kumapit ka sa estribo, bubulusuok malaeskimo kahit may LTO,
kayo testigo kung pano ba niwrestling to ni Rare Mysterio,
Eto 619 kahit si Gloc 9 malamang sa malamang ay mapashare dito

ano ka ngayon uncle G, ganto mambaon ng under G.
Parang inangkle B. ka ni uncle D. di ba mahusay ka pelase answer me! (hmm)
Di ako napapel at nakikiepsi, kung talagang legit kang emcee,
ibandera EXB FG sa acapella battle one on one kayo ni ST (ah oh)

Salamat sa formula’t element, na ginawa mong experiment,
mas lalo akong naging delikeds, at saka deadly men, tska lalo pa akong naging intelligent,
pagtapos alisin ang swere magiging kagaya ka ni Dr. Gero,
Dahil sarili mo na experimento, ang gagapit maghahatid sayo sa semeneteryo

Kung sinu-sinong pinaparainggan, porket sya ang pinapanigan at pinapakinggan,
eh pare-pareho lang naman na kanin ang laman ng ating mga pinggan,
dapat ka mabigyan, masyado kang nagmamagaling dyan, supot ka pa bata shin chan,
nagpatanga tanga to kaya mawawala na to sa ala-ala nyo sa dala-dala kong machine gun

nakuha mo pang mag eminem flo, kung akala mo na excellent no,
dapat senyong mga copycat na malibag ay binabalibag sa semento,
inaartehan ang dialekto, di mo nalang sabihin ng derecho,
tungaw na confident uhaw sa compliment, tumira nananaman ng coffee mate to

oo nananalo ka na nga ng titulo, ngunit malabo kitang mging idolo,
dahil mas magaling pa sayo na magrap kapang lasing na yung tito ko,
sukatan nman ng angking talino di papadaig to walang halong biro,
pustahan man ng ilang libo para isang libo sure na 3-0

Ang iingay niyo kasing mga bubuyog nagising tuloy ang batang mahimbing na tutulog,
kaya tiyak malilibing at mahuhulog pa ang uhog nyo’t kayo ay magmumumog pa ng bubog,
ang sarap sarap pag untug-untugin at palubugin netong mga ululin na damuho,
mga dati din namang palamuni’t palaki buto dapat ng paputukin ang mga ulo!

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *