Music

Flow G vs Sixth Threat Review

Sixth Threat vs Flow G

Matagal ng may diss track itong si Sixth Threat hindi lang kay Flow G kundi sa buong Ex Battalion. Wack daw mag rap, mumble rapper, hindi daw legit ang mga fans sa HipHop. Samantalang si Flow G ang kanta Unli ay isa lamang pag sagot hindi lang rekta kay ika-anim kundi sa lahat ng haters nila.

Sikat naman talaga kasi ang EX Battalion at dito sa Pinas natural lang na maka tanggap lang ng pangungucha kung sakaling sikat kana. Basihan yan ng mga Pinoy kung gaano kasikat ang isang tao. Mas sikat mas maraming galit. Matindi pa dito ang hot ng chix ni Flow G. Tapos may carrier single pa sya ngayon sa kasama sa Gloc 9. Kaya talagang hindi ka na mag tataka na hindi lang si Sixth kundi marami pang taong galit sa kanya. Iyon inis nila parang sinasabing hindi sya deserving sa kung ano man ang achievement nya ngayon.

Pag dating naman kay Sixth Threat, sikat na rin sya at my hype bilang 2019 FlipTop Isabuhay champion. Hindi lang kampeon kundi tinalo nya rin si Apekz sa huling palapag ng tournament. Eto rin siguro ang dahilan kung bakit sinagot sya ni Flow G. Parang naisip nga siguro na karapat dapat na syang pag-tuunan ng oras. At dahil kasama na ito sa kultura ng HipHop, Tanggap ng dalawa ang hamon ng isat isa, kaya nga ng maglabas si Threat ng Expired, naglabas agad si Flow G ng Pasaload.

Sabi nga ni Loonie sa Break it Down, maganda to para sa mundo ng kanilang ginagawalan basta sana lamang ay gawin nila ito bilang professional. Walang sakitan, walang damayan, at walang demandahan. Ang kompetensya ay makaka tulong sa pag improve ng dalawa dahil machachalange sila at magpapaka dalubhasa pa mismo sa kanilang larangan. Ngayon may Flow G vs Sixth Threat ngang nangyayari, paano naman natin malalaman kung sino nga ang mas magaling bilang rapper? Syempre una nga sa pag susuri ng mga diss track nila technical. Dito titignan ang Rhymes, Lyricism, Beat at overall musicality. May mga ilang vlogger na ang gumawa ng review ng dalawa subalit hindi pa ito tapos dahil hinihintay pa ang sagot ni Ika-anim. Ganon pa man mas magiging malinaw ang laban na ito kung idadaan sa literal na battle rap. Nag salita na nga si Mike Swift o ang may ari ng Sunugan Battle Rap League at interesado syang ma cater ang laban na ito. Sa FlipTop naman, mukang malabo dahil matagal ang proseso para maging parte ng liga nila. May mga tinitignan si Anygma o tinatawag na standard at hindi lang basta basta nag sasalang rapper sa stage parang sa Makagago vs Pricetagg. Kaya kung magkakalaban man panigurado sa Sunugan ito at sana nga matuloy dahil maraming naghihintay dito. Ang diss track ay hanggang diss lang. Kailangan talagang mag rap battle sila kung gusto nilang malaman kung sino ang mas magaling.

Ang problema magkaiba sila ng mundong ginagalawan. Si Flow G na isang mainstream artist at si Sixth Threat naman ay isang battle rapper. Kaya kung sa rap battle sila mag tatagpo, malamang sa malamang kay Sixth Threat to. Pwede pa kung featuring Gloc 9.

Sa ngayon abang abang lang tayo. Dalawang linggo ng nilabas ni Sixth iyong Expired matapos mag labas si Flow G ng Unli kaya baka dalawang linggo pa ang hihintayin natin matapos mailabas ang Pasaload.

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *