Music

FlipTop Review : Sinio / Tipsy D vs Jonas / Lhipkram @ Fliptop Festival

FlipTop Review Sinio Tipsy D vs Jonas Lhipkram Fliptop Festival

Natuwa ba kayo sa laban na ito? Kung ako ang tatanungin eto ang aking review o masasabi sa Sinio / Tipsy D vs Jonas / Lhipkram na naganap sa FlipTop Festival.

Wala ng maraming intro – choke. Ang masakit pa sobrang taas ng expectation mo sa dalawang superstars. Pag dating naman kela Jonas at Lhpkram, nakakatawa parin at parang sila nalang ang nag pakunswelo sa akin para isiping hindi sayang ang oras ko sa panonood. Actually isa ring rason kung bakit ipopost ko ang review na ito sa blog eh para hindi ko nga rin ma feel na sobrang sayang ang oras. So sa ibaba ang mga karagdagan kong salita base sa napanonood na laban.

Bat nga ba nag choke si Sinio? Sabi nasakit daw ang tagiliran?

Isa sa mga tinitingala kong battler si Sinio sa Fliptop. Marahil hindi ko sya kilala ng personal pero ung career nya sa liga ay aking nasubaybayan. Si Sinio ay maiituring kong ayaw ng natatalo. Oo lahat ng tao ayaw ng natatalo, pero pag dating kay Sinio ibang level ung paguugali na ito. Kung naalala nyo ung laban kung saan natalo si Sinio, nasabi nya na hindi na daw sya babattle. Alam mo iyong pag ka dismaya pag tapos mong ibigay ang lahat? Actually para sa akin sya naman talaga ang nanalo din dun pero ang point talagang napikon sya o nadismaya sa sarili. Andun na ako, pikon sya. Kita mo sa muka nya iyon habang nag iisipit ang kalaban nya. Kahit na durog na durog na nya ang kalaban nyan ramdam mo parin na affected sya sa sinasabi ng kalaban nya na kalimitan sa laban nya ganon talaga sya.

Pikon sya kaya pag natalo may palusot. Kahit nga iyong pag katalo nya sa dos por dos ang palusot eh ung proposal. Kasi nga ayaw nya ng natatalo, at isang magandang win-win situation eh ang mag propose para makuha nya ang simpatya ng tao at hindi na masyadong maramdaman ang pagkatalo. At ngayon nga eto naman tagiliran. Napansin ko lang ganadong ganado sya sa simula. Pero nag simula talagang mawala iyong momentum nya eh nung nag choke sya. Bat nga ba sya nag choke? eto ung sinasabi ni Loonie na pag nag sabi ka ng punchline tapos naghihintay ka ng matinding reaction, eh hindi ganon kalakas ang hiyawaan kumpara sa yoga lines nya, kaya ayon ng stumble sya. Daming ganto sa FlipTop pero napakagandang halimbawa itong kay Sinio dahil hindi lang sya nag stumble sa linya pagkatapos, buong laban na mismo.

Bakit nga ba sya nag choke?

Aminin man man nya o hindi, o mas maganda aminin nya nalang. Busy na talaga si Sinio. Madami syang project, madaming opportunity. Tapos hindi lang si Sinio, pati din si Tipsy D. Kaya nga alam mong parehas silang walang oras dalawa para mag practice ng sabay. Panoorin ang mga sulat nila, halatang ginawa ng magkahiwalay. Parang sinabi na, ito part na to, sulat ka dito sa bahay, tapos eto naman ang sa akin. Ito ung kalimitang factor kung bakit natatalo ng mga bagito ang mga sikat, dahil mas marami silang time na mag practice ng sabay kesa sa mga sikat na. Ito naman din ang nakikitang dahilan ng mga baguhan para sumikat o sabihin nating underdog sa Fliptop.

Iyong part na sana inamin nya nalang ay mas maganda dahil alam ko mauunawaan naman iyon ng mga talagang umiidolo sa kanya. Actually hindi lang naman ito nangyayari sa Fliptop. Kahit sa music industry ngyayari din ito. Pansinin nyo ung mga bandang iyong una nilang album sobrang ganda ng mga kanta tapos susunod na album ang wack na dahil na bi-busy na sila sa pagiging celebrity at di napagtutuunang pansin ang mga bagay kung saan sila minahal ng mga tao. Iyon pa, gaya nga sabi nila Tipsy D at Sinio, expection ng mga tao ang kalaban nila. Tama iyon, dahil sobrang ganda ng pinakita nila kaya dapat maging progressive sila hindi pwedeng lumaylay ang performance nila. Dito makikita mo kung gaano ka husay si Loonie. Kaya malaking sumingel si Loonie dahil alam nya isasacrifice nya ang mga ibang bagay (gig) para sa laban nya. Sa business ko ito natutunan. Dapat alam mo ang rate mo. Ganon si Loonie, alam nya ang presyo nya kaya alam nya rin na kapag binayaraan sya ipapriority nya ito. Madaming nagsasabing mukang pera si Loonie, pero ang totoo alam nya lang ang value  nya sa industry kaya ganon sumisingel sya ng malaki dahil maalaki din ang magiging kapalit nito sa oras na igugugol nya.

Naalala ko dati, may free tarpaulin layout services kami nung ng iistart palang ung printing shop ko. Mga isang taon din iyon kawang-gawa. Nung panahong nag aaral palang ako ng graphic design. Pero nung natuto na ako at nag invest na ako ng oras para sa skill set na ito, ay naningel na ako. Iyong mga ibang tao nakaunawa. Iyong iba, ang sabi komo dumami ang customer naging mukang pera na. Inexplain ko, ang sabi ko, ang babayaraan nyo sa akin ay ang oras na mawawala kapag ginawaka ko iyong order nyo. May mga bagay ako na dapat gawin subalit hindi ko gagawin iyon dahil uunahin ko ang sa inyo, at iyong oras na mawawala sa akin ay ang babayaran ninyo.

Anyway balik tayo sa Fliptop. At dahil nandun na tayo sa bayaraan? Sa palagay nyo nabayaraan sila Tipsy D at Sinio base sa kasalukuyang rate nila? Alam natin medyo may kamahalan ang talent fee nilang dalawang kumpara sa ibang MC sa Fliptop. Kaya nakakagulat kung pag katapos ng Ahon 10 ay nagkaroon agad ng laban si Tipsy D. So maaaring maisip natin na literal syang promo battle o kaya balik taya lang  ang bayad sa mga MC. Event ito ng Fliptop kaya hindi malayong magkawang gawa lang ang mga MC kaya ganon na lamang ang pagka underperform nila which is hindi tama. Hindi malayo ganto nga ang nangyari dahil kung titignan natin napakaraming lumahok sa event na ito. Mga kilalang tao sa industriya ng Hiphop, mostly mga rapper (hindi lang battler). Ngayon kung kayo si Tipsy at Sinio ano ang pinaka maiaambag nyo sa gantong event? Hindi narin naman bago sa atin na hindi sila ganoon katindi mag rap. At kung ikaw ay magiging parte ng gantong event, mas ikararangal mo kesa sa kung magkano man ang ibabayad sa iyo. Masaklap nga lang dahil choke. Tapos sumakit pa ang tagiliran. hahaha

Kung si Tipsy D naman, eto sana ung redemption battle nya mula sa pagkatalo nya kay Batas kaya naman talagang handang handa sya. Subalit nakakalungkot din ang naging resulta. Medyo hindi lang din ako sangayon dun sa mga nasabi nya about sa anak nya. Tatay din ako, workaholic na totoo, pero sa akung ano mang field tayo tumatakbo hindi magiging dahilan ang anak mo para hindi mo magawa ng maayos ung mga bagay na ginagawa mo ng wala pa siya. Dapat mas inspire sya. Hindi man literal dahil maaring may bago syang dapat ipriority, pero ung pagiging inspire sa pagiging tatay, iyon ang dapat na mas mangibabaw. Dito sya talaga dinurog ni Batas. Tapos iyon how ironic na sya pa ung workaholic. hahahaha. Ang workaholic na nag rarason dahil maraming ginagawa. Parang sinabi mo ang klepto hindi nakapag nakaw ng lubos dahil maraming nanakawin. Workaholic ako, at the best feeling ang maraming trabaho.

Balik tayo ulit sa Fliptop. Sa palagay ko mahihirapan makabawi itong dalawang to. Mas mainam talagang tangapin nalang nila na busy sila at wag muna silang lumaban. Parang si Bassilyo. Tapos dapat mahirap pa sa sitwasyon nila eh talunin ang expectation ng mga tao, parang si BLKD. Kung lalaban sila ngayong taon marami pa tayong wack na makikita sa mga ito sigurado yan. Unless gagawin nila ang galawan ni Loonie. Magpapresyo sila ng sapat para sa mga oras na mawawala sila sa mga business at sideline nila, tapos mag focus sila sa FlipTop. Sa ganon next time, hindi na nila kailangan mag rason at iyong level na inaasan ng tao ang ipapakita nila.

Update ito at dagdag ko nalang dahil unfair naman kela Jonas at Lhipkram kung hindi ko sila rereviewhin. Sa mga gantong underdog sila at base sa kasaysayan ng FlipTop, nothing to lose sila at kung tuusuin nasa sa kanila ang upperhand. Umpisa palang ganado na agad si Jonas dahil alam nyang break ito para sa career nya. Maganda ung panimula nyang “maliit ang tite mo.” Alam kong gagawin nya itong hook pero hindi sya nag tagumpay. Una, pangalawa, pangatlo nakakatawa pero ng inuulit ulit, nawalan na ng tama. May mga MC na magaling sa ganto. Iyong may formula sila paano mag pasikat ng line. Sabi nila basta ulitlitin mo lang parang kung paano inulitulit ni Mhot ang baligtaran, pero sa pagkakataon na ito hindi nakuha iyon ni Jonas. Dyan natin ibahin si Aklas, kahit paaulit ulit kahit hanggang ngayon, may impact parin ang “Uwe, uwe, uwe”. Saka kung paano sumikat ung line ni Frooz na, “Shet ang saya diba” na nagkaroon pa ng parody.

Maganda ung performance nila Lhipkram at Jonas pero hindi parin sapat para talunin sila Sinio at Tipsy kung hindi lang sana nagkalat ang isa. Iyong mga angles gasgas na. Parang leftover bars nga ng mga bayaw nila. Tungkol sa nabuo lang ng ambisyon ang team ng STD samantalang sila hinubog ng panahon. Ganon parin, para talagang iisipin mong nagsusulatan ang mga 3GS. Nakakatawa kung nakakatawa tapos nag choke pa kalaban nila. Ayon congrats.

Pero magaling din naman talaga tong dalawa. Siguro nahinaan lang ako sa angles tapos mahina din angles ng kalaban nila, mata at pustiso lang din. Anyway bonus lang tong laban na ito, dahil alam natin sa Fliptop Festival isa itong exhibit ng ibat ibang saklaw ng HipHop at hindi lang battle rap.

Facebook