Music

FlipTop Review : Shernan vs Poison13 @ The FlipTop Festival

FlipTop Review Shernan vs Poison13 The FlipTop Festival

Muli, maraming na namang na dimasya sa laban na ito. Mula sa laban ni Sinio / Tipsy D at Jonas / Lhipkram kung saan nag choke at hindi ganon ka impactful ang mga lines ng STD, ngayon ay isa na namang arranged battle ni Shernan. Wala na ring intro intro – dismayado.

Bakit nga ba hindi natuwa ang mga tao. Isa sa mga nakikita ko ay ang mataas na expectation nila hindi lang sa Shernan vs Poison o sa Dos Por Dos kung di sa FlipTop Festival. Isipin mo napakaraming guest, ginastosan ang event, lahat lahat na, kaya ang mga tao ganon nalang ang expectation sa Rap Battle na magaganap. Hindi natin mapagkakaila na maraming tao sa event na iyon na ang sympatya ay sa rap battle kaya aminin man natin at hindi, talagang malaki ang pag subaybay nila sa battle na magaganap.

Nakalimutan lang nila o marahil hindi nila nabatid iyong sinabi ni Anygma, kung saan nais nya na ang lahat ng mga rapper ay mag enjoy bilang anniversay ng Fliptop. Kaya imbis na pagtuunan pansin ang rap battle, gusto nila ilaan ang event na ito ng walang ibang iintindihin. Panget na naman kung ang mga MC ay may kanikanilang battle na pinaghahandaan at makakalimutan na ang spirit ng event. Ganon din si Anygma bilang host ay kailangan ding maghanda. Nasabi nya ito ng ilang beses, na ang Grain Assault ang pinaka gusto nya dahil dito mas nabibigyan nya ng kalayaan ang sarili nya na mag enjoy lang kung kaya hindi sya kumukuha ng responsibilidad sa mga laban. Ganon din ang gusto nyang maramdamaan ng ibang MC, na enjoyin nila ang anniversary event. Kaya nga dapat na timbrehan na tayo na sa Fliptop Festival hindi magkakaroon ng bakbakan na rap battle. Siguro sinadya rin ito ni Anygma o hinayaan para malaman ang talagang tumatangkilik sa Hip Hop at hindi lang sa rap battle.

Balik tayo sa Shernan vs Poison 13. Ako man hindi ko gusto itong pinapauso ni Shernan na ganto, Naalala ko lang ang Bubble Gang, kung saan may topic tapos iyon ang pagtatalunan. Nandun iyong dating na pwedeng maging scripted sya. Pangalawa gaya ng sabi nila binaboy daw ang FlipTop, siguro hindi lang talaga na meet iyong expectation sa pagkakataong ito, dahil nung Shernan vs Hazky mukang pumatok naman ito at nag viral pa nga sa Facebook. Pero kung Rap Battle lang talaga at kung Fliptop, mukang panget nga ang gantong konsepto.

So nandun na tayo. Pero ngayon bigyan naman natin ng pansin ang mga inihain nila satin. Oo hindi nga naging impactful ang konsepto pero marami parin namang magagandang linya mula dun sa dalawa. May mga bars parin naman tayong narinig kay Poison 13. Iyong flow nga lang ni Shernan medyo hirap pumasok sa sukat. Siguro dahil ginagaya nya nga ang accent ng mga bombay. Ito rin ung rason bakit hindi ako fan ng mga gantong tugmaan ni Shernan. Oo mahirap ung effort na pinapakita nya, subalit naapektuhan naman ito ung element ng pag rarap. Sabi nga ni Loonie “sa rap ang hindi pag tugma ay isang mortal sin”. Rap battle ito, so dapat mag rap ang mga kalahok. Actually hindi lang naman si Shernan pero ang daming ganto sa FlipTop. Bawi lang sa content.

Tapos sana sa susunod na laban ni Shernan hindi na ganto. Parang pati kalaban nya ay nalilimitahan at hindi na show-showcase ang buong talento nila. Marami ring tumatak na linya Shernan sa Fliptop ganon din sa Poison 13 subalit itong laban na ito, parang nasayang ang pagkakataon mapakita ang husay nila sa battle rap sa harap ng napakaraming tao.

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *