Music

Flict G Reviews

List of Most Viewed Battle Rapper In The Philippines

Tagal ko nang na subaybayan si Flict G mula pa sa Repablikan Syndicate ang mas lalong tuminde nung napanaood ko sya sa FlipTop. Actually dun ko nalaman talaga ang Flict G dahil sa Repablikan alam ko ito bilang rap group at hindi individual.

Sa FlipTop isa ako sa mga humanga dun sa mga astronomy bars nya at kung hindi lang dahil kay BLKD hindi at pag expose nya dito hindi mawawalan ng value iyon sa FlipTop. Pero hindi naman dun nag tapos ang pagiging malikhain ni Flict G matapos nyang bitawan ang Bahay Kubo bars nya. Parang patunay nya yan na kahit anong reference kahit pang bata kaya nyang gumawa ng kakaiba. Ganto inexpose ni BLKD iyong diskarte ni Flict G, pero mas naging mahusay lang ang pag gawa ni G dun sa Bahay Kubo nya. At iyon ang prototype na sa ngayon ay tinatawag ng mga tao na Flict G bars. Kung saan ang tila walang kwentang mga bagay ay gagawan nya ng nakakatuwang kabuluhan. Sa bahay kubo bars ang mga pang batang tema o gulay ay ginawan nya ng karumadumal na panggagahasa. Ganon din ang Flict G bars kung sa ang nakatawang bulbol sa sabon ay isiningit nya sa karumaldumal nyang gawain.

Ayon nga, kaya kung may talagang flexible sa FlipTop, hindi si Tipsy D, kundi si Flict G. Kaya nyang mag speed rap, magaling sya ibat ibang elemento ng battle rap, malawak ang stilo nya mula sa pagpapatawa at technical na bara, may hit songs din sya, at ngayon nag vo-vlog narin sya. Actually isa si Flict G sa aming listahan ng mga most viewed battle rapper. Bukod dito nais ko ring mag sulat ng post sadyang para lang sa mga Flict G lines o bars.

Nabanggit ko iyong pagiging aktibo nya sa kanyang Youtube Channel. Dito hindi lang sya basta nag rereview kundi nag tuturo din sya. Tindi nya nga sa parteng ito. Hindi lang dahil basta sumunod sa yapak ng mga rapper na nag vovlog at nag fofocus sa review tulad ng Break it Down ni Loonie, Anygma Machine ni Aric, Usapang Ka Talk ni M Zhayt, Rap Topic ni Numerhus at kahit na ang Shernan TV. Dito pinakita nya na may kakaiba syang ahin para sa mga taga subaybay nya at hindi lang basta “isa na namang battle rapper turns to vlogger” Mas nagustuhan ko iyong point nya ng pag tuturo sa rap dahil walang gumawa noon dito sa Pinas.

Isa pang dapat natin tignan kay Flict G ang pagkakaroon nya ng pagkakataon maka sampa sa Wish Bus. Madaming rapper ang gusto dito at alam natin hindi ganon kadali maka kuha ng slot kaya ganon nalang ang pagkahanga ko kay Raymond na makagparap sya dito hindi lang isang beses. Naipamalas nya dito ang mga hit songs nya tulad ng Paglisan, Nakakamiss, at ngayon nga ang bago nilang release sa Wish ay ang Hiling kasama si Curse One at Bei.

Isa sa mga nakaka tuwa kung bakit napapatambay ako sa channel nya sa Youtube ay dahil pinapansin nya ang mga fans nya sa comment. Isipin mo idolo mo tapos mag lalaan ng oras para mag reply sa comment mo. Bihira iyong mga ganon.

Sa ngayon busy si pareng G sa pag diskubre kung sino si Rare Mysterio. Nahusayan nga ako at na bigyan ng diskarte kung paano mag reverse engineer ng edited audio. Alam ko marami pang susunod at simula palang ito ng matinding online rap battle kaya tunghayan din natin kung paano ito idi-digest ni Flict G.

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *