Music

2G (Sixth Threat) Lyrics and Review

Sixth Threat vs Flow G

Eto iyong sagot ni Sixth Threat sa Pasalod, gaya nga ng sabi ko sa Sixth Threat vs Flow-G scenario na ito, hindi papadalig tong si Sixth at gagawa to sagot. At eto na nga na pinamagatan nyang 2G. Mula sa Unli, Expired at Pasalod ngayon naman 2G. So bakit 2G, actually maraming kahulugan to na malalaman natin sa mismong lyrics ng kanta. Sa kanyang diss track tinutukoy nya na nag patulong daw si Flow G kay Gloc 9. Matibay ang akusasyon na ito dahil malapit ngayon ang dalawang rapper matapos ang pag labas nila ng hit song na Halik. Tapos dun sa 24 Mark Beats challenge, na mentioned din ni Gloc 9 na ito ay follow up nya kay Flow G. So hindi na nakakagulat kung madikit ang pangalan ng sikat na rapper dito sa kantang ito na patama kay Flow G. So 2G, pwedeng dalawang gago oh kaya, Flow “G” at “G”loc 9 san kayo? Tapos na irelate nya pa sa mga naunang title ng tungalian nila. At dahil nga 2G isa itong outdated na wireless technology na sa ngayon ay mga 5G na ang inilalabas.

sa 2G mas naging rekta ang mga bitaw ni Sixth Threat. Talagang lantaran nya na tinitra si Flow G. Anyway win-win situation ito para sa kanya. Dahil naididikit nya ang pangalan nya sa mainstream rapper especially sa beteranong si Gloc 9. Pero alam ko wala naman para sa kanya ang mapunta sa mainstream lalu pat champion sya ng underground. Ganon pa man, gustuhin ny man o hindi talagang win-win to para sa kanya. Gaya nga ng sabi nya, Forte nya to. Kahit sa mga rapper or rap analyst sa Youtube na nag review ng Unli vs Expired itinutoro na si Sixth ang panalo. Tapos advantage pa sa kanya dahil mainstream kalaban nya. Marami syang maibabato dito na makakarelate ang mga tao. Ito iyong sinasabi ni Loonie na sa battle rap may disadvantage kung sikat ka dahil maraming angulo ang pwedeng gamitin sayo. Parang sa labang Loonie / Abra vs Smugglaz / Sheyhee o kaya naman Sinio vs Sheyhee. Sa rap battle kasi, paramihan din ng angulo, hindi pweden tirahin mo lang sya sa isang parte dahil mauumay ang mga tao. Anyway wala pa naman ang dalawang ito sa rap battle pero gaya nga ng sabi ko rekta ang bigayan ni Sixth kaya parang iisipin mo nag simula na ang rap battle. Samahan pa ng million views sa Youtube, di ako nagtataka kung bakit gustong gusto ni Mike Swift na matuloy ang laban ng dalawa sa Sunugan.

Subalit mukang malabo dahil si Sixth Threat mismo ang nagsabi, “Acapella” so dito mababatid mo na kung may laban man gusto nya sa FlipTop. Dahil kung idi-distinguish ang dalawang liga, FlipTop at Sunugan, ang FlipTop ang acapella at Sunugan ang may beat. Dati haha pero sa pag sikat ng acapella, may mga ilang battle din sa Sunugan na wala ng beat. Eto iyong matagal na pinag talunan. Kung sino ba talaga ang una, FlipTop o Sunugan. Pero ayon nga, Sunugan talaga, sumunod lang ang FlipTop pero that time, instead na may beat, ginawang acapella. At instead na freestyle, mas na emphasized ang written.

Anyway gaya nga ng sabi ko sa unang review ko. Malabo tong mangyari sa FlipTop. Kaya kung matuloy man ang rap battle sa pagitan nina Sixth Threat at Flow G, malamang sa Sunugan. At saludo ako sa walang pagod na pag suporta ni Mike Swift para dito. Pabor ito para sa mga taong gustong gusto silang makitang maglaban. Lalu pat painit na ng painit ang dalawa.

Pag dating naman sa technical rap element ng 2G, dito pinakita ni Sixth Threat na magaling din syang mag flow. Kung sa mga naunang kanta nila ay mas napansin ang ang flow ni Flow G, dito talagang lantaran na pinakita nya na kaya nya rin yan. May mga ilang linya lang din syang nasabi na kulang sa basihan tulad ng paglapit nya kay Loonie o kaya kay Anygma para sumali sa FlipTop. Mukang malabo tong mangyari dahil kahit noon pa hindi ko nakitaan si Flow G ng aspeto para sa rap battle. Subukan nyong panoorin iyong trip trip na laban nila nina Sinio. Maiisip mo kaya na ito aspirang ng rap battle. So malabo iyong sinasabi ni Sixth.

Sinagot din nya sa kantang ito ang pag eenglish medyo bitin nga lang ako. Pero given iyon sa mga bisaya na hindi big deal sa kanila ang mga english, kung nag rarap nga sila ng tagalog o hindi nila kinalakihang wika. English pa kaya. Isipin mo Filipino ka tapos mag rap ka ng english, mejo challenging, so ganon din sa kanila na bisaya at mag rarap ng tagalog. Challenging man pero kayang kaya nila. Eto rin iyong napansin ko kay Sixth Threat sa FlipTop palang, wala syang bisayang accent pag nag tagalog. Taga Capiz ako ngayon pero pinanganak at lumaki ako sa Maynila kaya alam ko ang mga punto na ganyan mula sa magkaibang uri ng pananalita.

Pag dating naman sa beat, sikat na ang beef ng dalawan eh, hindi na kakaiba kung maraming mag bigay ng beat para dyan. Syempre kung kanino ka panig nandun ang supporta mo. Ang bilang fan gusto nating mag contribute para sa mga idol natin. At isa na rito ang pagbibigay ng beat.

ikaw saan ka? kay Flow G o kay Sixth Threat?

 

Mga linya ginamit sa Fliptop kinuha
Gasgas na sa amin yan boy
Whoo! Ang lalim
Un na yung sagot sa Warning
Forte ko to hoy kukulangin
Pa yang bobong rhyming mo ko ko Martin
Pasa load daw
Cringy grabe
O baka pasa bara?
Di na bale
O sige dawit natin
Si daddy nya
easy matik na
GG pare
Eh pano ako din sinapian ni Itachi na nag Izanami
Kay Gloc pa inilapit humingi ng taktik at ayun sinampal ng dictionary
Kumagat ka sa bitag, why
Na expire pati flow mo tinangay?
Kaya ba ung sagot offbeat na ah
Un pala ung tunog ng yong inaray hilak bai
Binigyan na B was expecting for A game
Game ung ibabalik at papakita nya
Yung narinig ko see?
Ipinakita’y D
Kalidad e pano kasi tayo’y Di pantay
O ganyan kids ha (o ganyan kids ha)
Gumamit ng tinta (gumamit ng tinta)
Sukatin ang pinag kaiba ng bida
Sa tunay na imba
O tamang daing ba sa sakit na inabot
Sa akin ininda? O tahan na iha
Idol nyo kain kaso akoy na impacho sa
Wack ng timpla (sorry Gloc)
Sinubok mag ingles fearless
Gusto magpa impress? Di pwes
Heard you answer real fast
Made a quick blast
But this nigga sounded too depressed
Take deep rest
Tulo laway ka ulit
Di gets?
O experiment ulit
Hindi bes?
Really tryin’ his best
How to spit trash
I do teach fags how to ingles
Want a free test?
Bata na to
Di ka six footer
Ang tanga mo po
Si nate robinson
Ba kilala mo
O baka champion din naka gaya oops..
Oh musta? Un ung panahong panay ka husga
Kasi nung Ahon diba andun ka
Nung natapos ayun natalo ka sa pusta
Ayos ba?
Oh triggered na?
Okay pa ba?
Okay clapback
Moy solid daaamn
Dickhead
Mas na greater pa?
Hoy grade 1 ka!
Ngek ang labo mo
Diba deads kana boy
Bat Bumangot to ?
Di to dissback hoy o pahabol ko
Nilagyan ko lang pako kabaong mo
Dinamay pa liga
Oh sya sya halika
Diba panay ang PM mo kay Anygma
Eh kaso lang seen ka
Tas ngayon kunwari di mo bet?
Pati si Loonie kinulit
Di nakaabot sa try out si bugret
Paano mahina signal sa pisonet
(Time na boy)
Lupit din ng iyong guro
Pati ba ‘ko dinuduro
Ano sinusubo sayo ng ‘yong pinuno
Pero wala kong tinturo hah
Mga linya o tira sarili kong pinaghirapan
At pinuno pinuputo ko tinungo ko to ng ako lang
Nagawang mag isa iyong niluluto (burn)
Daming hit daw nila oh?
Anlupit ng karera
Nasayaw daw ng kids wow
Ang mga ininmprove na dancing queen macarena?
Iyong  sayo mo weak alang kwenta
Kahit pana may sagip kapamilya
I just 2-od you so beat pano repa, game pa sa gyera?
Kitakits acapella.

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *