Ideas

Mga Sikat o Kilalang Tao mula sa Capiz

me myself and I self portrait of John Cyril Dojaylo

Kamakailan lang ay nag post ako tungkol kay John Cyril Dojaylo na isang artist mula sa Capiz na nag viral sa social media at umabot na News5 at Abante. Dito napaisip tuloy ako kung sino sino pa nga ba ang mga tanyag o kilalang tao na nag mula dito sa amin probinsya maliban kay Mar Roxas. Alam ko lang kasi talaga si Barbie Almalbis dati pa bilang fan sa hindi kumukupas na kagandahan sa kabila ng edad lalu pat ang sheshread sya ng gitara, nalalaglag talaga ang puso ko.

Eto pa ang ilang mga sikat na tao sa buong Pilipinas na di mo iisipin na nag mula pala sa Capiz:

1. Vicky Belo – unahin ko ito dahil nagmula sya mismo dito sa Panay na aking home town. Siya ang founder at kasalukuyang CEO ng Belo Medical Group. Kilala sya bilang dermatologist ng maraming artistang napapanood natin sa TV ngayon. “Only Belo touches my skin” familiar ba? sya nga iyon.

2. Edgar “Injap” Sia – Sya ay pinanganak sa Iloilo at lumaki dito sa Capiz. Sya nga ang nag pasikat ng unli rice at may kasalanan kung bakit madaming overweight na Pinoy ngayon (joke). Si Injap ang pinaka batang bilyonaryong Pinoy matapos nya ibenta ang 70% stake ng Mang Inasal kay Tony Tan Caktiong ang may ari ng Jolibee.

3. Margarita Moran-Floirendo – Ang nanalong ng Miss Universe 1973. Siya ay anak nina  Francis Gonzalez Morán and Rosario McIlvain Roxas. Siya ang pangalawang Pinay na nanalo sa Miss Universe matapos nyang sundan si Gloria Diaz.

4. Paolo Bediones – Sikat na sikat ito noong early 2000 bilang host ng ibat ibang reality show sa GMA. Bago pa man ay naging newscaster na at model na sya mula sa iba’t ibang companya. At sa huli ay naging artista matapos matapos sa mga TV shows at pelikula.

5. Lira Bermudez – Eto para sa mga millennials. Isa sa mga finalist ng sikat na talent search ng GMA, ang Protege. Dito sa patimpalak kung saan naging guro nya si Gloc 9 at masama sa mga ilang sikat na kanta ng rapper. Tulad ni Vicky Belo, sya rin ay nag mula dito sa Panay. Naalala ko nga na naging panauhin sa isang festival dito sa amin nung kasagsagan ng pangalan niya.

6. Antonio Trillanes IV – Oo sya po ang sikat na senador at opposisyon sa administrasyong Duterte. Ang senador ay nag mula sa Ivisan Capiz. Bukod sa pagiging senador si Trillanes ay nag serbisyo sa Pilipinas bilang Navy at nagtamo ng 23 medalya at ribbon ng pagkakilalan.

7. Jovita Fuentes – Siya ay tinuturing bilang national artist Pilipinas pag dating sa musika. Noong February 15, 1895 tinagurian syang First Lady of Philippine Music. Hindi lang sa Pilipinas subalit umabot din ang kanyang kasikatan sa Espanya kung saan naawardan sya ng “Embahadora de Filipinas a su Madre Patria”.

8. Daisy Avellana – Siya naman ay itinuturing na national artist pag dating sa teatro o pagtatanghal. Si Avellana ay kinokonsider bilang isa sa mga pundasyon ng pag arte, pag susulat at pag didirek na naka apekto ng malaki sa modernong tanghalan ng Pilipinas.

9. John Cyril Dojaylo – Marahil hindi pa sya maililinya sa mga taong naisulat sa taas dahil bago palang nag simulang makilala itong artist na ito na mula sa Dinginan Roxas City. Pero gaya nga ng nasabi ko malaki ang potensyal ni Cyril na kung mabibigyan ng pagkakataon ay mas lalo pa niya itong malilinang.

10. Earvin Kyle “KAYLUM” Amacan – Tulad ni John Cyril, hindi pa ako ganon ka sikat, subalit ibibilang ko nalang din ang sarili ko dito dahil pag dating ng araw ay sisikat din naman ako bilang pinaka magaling na Filipino Virtual Assistant na nagaling dito sa Capiz. At papangaralan ng iba’t ibang medalya mula sa mga companyang kung saan ako nag tatrabaho. Ngayon palang ilalatha ko na, dahil kung tutuusin napakaraming pinoy ang deserving para sa titulong national artist subalit dahil buhay pa sila, hindi pa magawad ang parangal. Ayaw ko namang mangyari iyon sa akin. Pasensya kana Ely Buendia, inunahan na kita.

Marami pang sikat na persona na nangaling sa Capiz hindi ko lang maalala ang o narinig ang iba. Dahil ang bayan na ito ay sadyang pinagmumulan mga taong nag bigay ng malaking kontribusyon sa bansa at magbibigay palang katulad ko.

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *