Ideas

Mga Dakilang Bakla sa Kasaysayan Ng Mundo

Mga Dakilang Bakla sa Kasaysayan Ng Mundo

Pag gising ko ngayong umaga may isang post akong nabasa sa Facebook at nagsasabing “pasensya na bakla lang ako.” Pagkabasa ako, naisip ko agad si Alan Turing, isang bakla subalit napakalaki ng na ambag sa modernong computer. Nakakalungkot lang dahil sa kabila ng nagawa nito sa buong mundo mas napagtuunan ng pansin ang pagiging beki nito. Ni rerecomenda ko na basahin mo mismo ang tungkol kay Turing. O kaya naman ay panoorin mo ang “The Imitation Game” dyan mo malalaman na hindi mo ma la-Lang Lang ang pagiging bakla.

Bukod kay Alan Turing marami pang sikat, o hindi lang talaga sika kundi bumago sa mundo o nagbigay ng napakalaking ambag sa kasaysayan. Narito ang mga listahan ko:

1. William Shakespear – Hindi ko alam kung paano naging bakla ito pero mula sa mapagkakatiwalaang source, isa daw syang bading. Base sa pag susuri sa mga tula niya, may mga linya sya doon ng pag amin at pagpapakita ng pagkaakit sa katulad nyang lalake. Nasabi din ito ni Ian McKellen, isang veteranong artista na ilang taong gumagaganap sa mga literaturang na isulat ni Shakespear. Ayon sa kanya silahis si William na nag sisiyahan sa pag tatalik sa lalake at babae. Hindi ko alam kung anong patunay dito ni sir Ian McKellen pero marahil at napansin nya rin ito sa mga akda ng sikat na manunulat. Mahiwaga ang mga tula. Kailangan ito na matinding pang unawa. Si Ian McKellen na syang gumanap na Gandalf sa Lord of the Rings, ay maaring nagkaroon ng sapat na kaalaman sa pagiging Wizard. Kilala ang mga Wizard bilang pinaka matalinong tao. At ang mga bagay bagay kalakip ang kabaklan ay madali nyang maaamoy. Siguro sya rin ang naglabas ng blind item na nagsasabing bakla si Prodo at boylet nya si Sam. Iresearch nyo nalang, marami pa akong tatalakayin at hindi sakop nito ang mga fiction na mga bading. Dun lang tayo sa mga talagang nag contribute sa mundong ating ginagawalan.

2. Alexander the Great – Una ko tong nalaman dun sa pelikula na hinango sa kanya. Sya ung patunay na hindi lahat ng bakla at duwag. Kaya kung inaasar kayo ng kaibigan nyo na bakla sa pagiging duwag, pwede nyong sabihin na, bakit si Alexander the Great bakla pero matapang? Bagaman walang pag amin, maraming mga historyador ang nagpapatunay dito. Sa sinaunang Roma at Griyego kasi ang pagtatalik ay hindi limitado sa magkaibang kasarian. Kahit nga ang sinaunang dyos nila na si Zeus ay nagpakita na pagkabighani sa kapwa nya lalaki. Pero katulad din kay William Shakespear wala din lehitimong paglalalad ang naganap. Una marahil, ang pag discriminate sa pagiging bakla ay hindi lang nangyayri sa panahon ngayon, mas matindi ang persecution ng mga bakla noong mga unang panahon. Ngayon ang mga malalaking tayo tulad ng ni Alexander the Great ay itinuturing silang bayani, huwaran, at simbolo ng kanilang nasyon kayat may pagkakataon kahit ang mga historyador o ang malalapit na mga tao na dapat sila ang magpapatunay ay pinagtatakpan ang ganitong mga issue. Gusto nila ng perpektong bayani kaya hindi nila nilalakip ang mga gantong detalye sa kasaysayan.

3. Leonardo Da Vinci – Hindi ba naman ang hindi nakakakilala sa taong ito? Pero sino ang nakakaalam na bakla din sya? Wala ding paglaladlad subalit kung usapan ng mga dakilang bakla sa mundo, hinding hindi mawawala sa listahan si Da Vinci. Oo nag cecelebate sya at confirm iyon. Ito ung processo na ginagawa din ng mga pari kung saan hindi sila nag aasawa at hindi nakikipag talik. Hindi alam kung saan nangaling nag issue na ito. Siguro naamoy lang din ng mga kasama nyang beki. Ayon sa bakla source ko, naamoy nila ang kaparehas nila. Oh kaya naman may nabasang journal na hindi na isinapubliko. Mahirap talagang maka hanap ng source ng pag amin sa panahon nila dahil sobrang persecution. Isa pa dahil matalino sila. Mind over body sila. Madami akong kilalang tao personally. Matatalino sila. Na kokontrol nila ang sariling emotion bagaman amoy mo sa kanila na paminta sila. (beki rin ako, naamoy ko sila eh. Pag dating ng panahon kung sakaling magiging dakila rin ako sa mundong ito, at pag aaralan nila kung bakla ako o hindi, ito siguro ung masisilip nilang basihan. hahaha. Pag tapos nito susulat ako ng lahat kung paano malalamang bakla ang isang lalaki) Balik tayo, pansinin nyo ung mga matatalinong bakla hindi mga ladlad. Meron akong kilala, alam ng lahat na bakla sya, pero hindi sya ladlad, wala syang karelasyon lalaki man o babae, higit sa lahat matalino sya at magaling bilang individual. Hanggang ngayon, wala paring pag amin.

4. Alan Turing – Puro walang pag-amin, ibahin nyo itong si Alan Turing dahil hayagan nyang sinabi na sya ay isang beki. Actually sinubukan nya rin magpaktuwi dahil nag ka fiancee din sya subalit hindi ng work out at sa huli umamin din. Sa lahat na yata ng bakla ito na pinaka gusto ko o at tingalain ng lahat ng mga taong mahilig sa computer. Gamit ang kanyang talino sa computer ay nakagawa sya ng paraan kung paano natalo ang Nazi sa gerang nagaganap sa Atlantic Ocean. Dahil sa lakas ng U-Boat ng Nazi (sobrang lakas ng Nazi kahit na ilang malalaking bansa ang lumalaban sa kanila, dahil kung bakit maraming alien theorist ang nagsasabing napahiram o naka diskubre sila ng alien technology. gusto ko sanang isulat din to subalit mahabahabang talakayan ito) hindi makapalag ang mga barko ng mga Allies. Alam nilang hindi sila mananalo ng tirahan kaya ng hahanap sila ng paraan kung paano ito malalamangan sa ibang bagay. Dito nga pumasok ang breaking the enigma code. Ito ung code o mensahe na nilalabas ng mga Nazi patungo sa mga U-Boat. Naisip ng Allies na kung ma dedecode lang nila ito, malalaman nila ang laman bago umatake ang mga U-boat. Mula dito ay gumawa sila ng team mula sa mga pinakamagagaling na mathematician at lohilista para ma decipher ang Enigma Code. Dito na pumasok ang ating dakilang beki. Imbes na pagisipan nya kung paano ito lulutasin, gumawa sya ng computer na syang lulutas ng mga secretong mensanhe. Wika nya nga computer vs computer. Ngayon ano ang kinalaman nya sa modernong computer. Simplehan lang natin, parang sya ang naglabas ng smart phone sa panahaon Nokia palang ang gamit ng tao. Kung ang computer noon ay ginagawa lang kung ano ang indenesensyo sa kanila, si Alan Turing ay naglabas ng computer kung saan programmable eto o pwedeng lagyan ng instruction para gawin ang ibang task. Nokia = text/tawag/games, smart phone = pwedeng installan ng application at magamit sa ibat ibang bagay. Unawain nyo iyan, at tulad ko bilang computer enthusiast ay magpapasalamat din kayo ng malaki sa dakilang baklang ito.

Marami pang mga baklang may malaking kontribusyon sa kung ano tayo ngayon. Subalit katuad din nila Shakespear, Julius Ceasar, Alexander the Great, wala ring lihitimong pag lalad. Marahil natatakot sila dahil maari silang tuligsain. Ang pagiging beki mula pa noon at talaga namang maituturing na kamalian. Makikita natin iya sa biblya kung saan ang Dyos mismo ang bumaba sa langit upang trabahuhin ang mga bakla sa Sodom at Gomora. Hindi ko malilimutan ang pagkakataon kung saan nakipag tawaran si Abraham kung sakaling may magbabalik loob na singkwenta at naging sampu ay hindi wawasaki nang Dyos ang nasabing lugar. Mula dito tumatak na ang pagiging bakla ay isang kasiraan. Samantalang mas nakikita ko ang Dyos bilang isang mapagpatawad na hukom.

Hindi lang bakla, lahat tayo ay may kanya kanyang kahinaan na kailangang ipagpatawad sa Dyos. Ganon pa man ang pagiging bakla ay hindi dahilan upang hindi tayo mabuhay ng mabuti o maaring maging dakila din katulad ng mga taong umukit ng pangalan sa kasaysayan kahit na beki sila.

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *