Ideas

Ilang Araw Bago Dumating ang SAP, DOLE, at DSWD Amelioration?

Ilang Araw Bago Dumating ang SAP, DOLE, at DSWD Amelioration

Ito ang nasa isip ngayon ng milyong milyong Pilipino na umaasa sa tulong ng gobyerno. Kung babasahin ang balita napakaraming inilalatha tungkol sa paparating na assistance program pero ang tanong kelan o nasan na nga ba? Ako man ay personal na naghihintay sa Dole Amelioration Program para sa dalawa kong negosyo. Nag apply din kami sa DSWD at nakakuha naman kami ng form pero mula sa mapagkakatiwalaan kong source, hindi lahat ng nabigyan ng form at ng sumite ay makaka tangap ng assistance. Masama nito ang sukatan kung bato ang bahay mo o hindi parang 4Ps hahaha.

Bagaman hindi ako umasa pero kahit sa mga empleyado ko nalang. Dahil kahit na meron kaming naipon, isa rin kami sa milyong Pilipinong nawala ng income ngayon. Actually iyong tanong ko nga ay kung kelan, hindi ko na iniisip kung magkano. Ayaw kong mag reklamo, imbis ay naghahanap ako ng trabaho sa online para makapang tapal sa gastusin ngayong nawala ang main income namin.

Oh sige mahirap sagutin ang kelan at magkano. Ibahin natin, meron na nga bang nabigyan? Meron akong nakikita sa Facebook ng listahan na nakatangap na. Medyo mahirap maniwala ngayon sa dami ng fake news pero sana nga meron.

Ikaw ba? Nakatangap ka naba? O naghihintay rin? Basta tandaan mo kapatid mahirap umasa.

Kung napadpad ka sa website na ito at alam mo ang katanungan, maari mo bang ibahagi sa amin ang lahat ng pinagdaanan mo at kung ilan araw bago mo natanggap ang nasabing assistance.

Kung hindi mo naman alam na meron gantong uri ng programa, halika ka at ibabahagi ko sayo. Iyong sa DSWD, bawat barangay ang mag aasikaso nun. Sa aming barangay ay binigyan ako ng form. Sabi nila kada pamilya. So kung tatlong pamilya kayo sa isang bahay tatlong form din. Tapos ipapalista lang kung sino ang representative nyo.

Pag dating naman sa DOLE Amelioration Program, kung meron kang empleyado na nawalang ng pansamantalang trabaho, maarin kang mag fill up ng form. Ito ay base kung saan rehiyon ka nabibilang. Kami ay mula sa rehiyon 6. So bumisita ako sa website nila at download ng form. Word sya kaya editable. Dun iuulat mo ang iyon mga empleyado at ang kanilang detalye kasama dito kung magkano ang isinasahod nila. Wala namang masyadong requirements, payslip lang o voucher basta magpapatunay ng halagang perang natatangap nila. Tapos kalakip ang form na finilupan mo, isesend mo ito through email. Ang bawat rehiyon ay may specific na address.

Ok na? sige subukan natin. Malay natin makakuha tayo ng tulong. Wala rin naman masyadong gagawin sa mga panahong ito. Lalu pa’t iyon lang ang maasahan natin sa mga oras na ito.

Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *